DOJ iniutos na ibalik sa orihinal na kulungan ang mga bilibid inmate na inilipat ng detention facility

Pinababalik na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa orihinal nilang mga kulungan ang mga inmate sa New Bilibid Prisons na inilipat ng detention facility.

Bunsod ito ng pagbalik ng kalakalan ng iligal na droga sa Bilibid.

Sa Dept. Order 496 ni Aguirre, ipinagutos ng kalihim na ibalik sa Building 14 ang mga inmate na inilipat sa Maximum Security Compound.

Habang ang mga preso na inilipat sa Medium Security Compound ay pinababalik sa Maximum Security Compound.

Nakasaad din sa kautusan na kung may mga inmate na high-risk, high-profile at nahatulan sa iligal na droga na kailangang ilipat ng lugar ng kulungan ay kailangan muna niyang aprubahan.

Pinagsusumite rin ni Aguirre ang Bureau of Corrections ng listahan at imbentaryo ng lahat ng mga inmate na inilipat ng detention facility,  ang dahilan ng paglipat sa kanila, petsa ng kanilang paglipat, saan sila galing at  saang inilipat na pasilidad.

May sampung araw ang BuCor para magsumite ng ulat kaugnay sa estado ng pagpapatupad ng nasabing kautusan.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *