DOJ ipinauubaya na sa korte ang mga kaso laban kay Quiboloy
Ikinalugod ng Department of Justice (DOJ) ang pagpapalabas ng korte sa Davao City ng arrest order laban sa lider ng Kingdom of Jesus Christ na si Apollo Quiboloy at mga kapwa akusado nito kaugnay sa mga kasong child abuse at sexual abuse.
Sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na ginawa na ng mga piskal ang kanilang trabaho.
Ngayon aniya ay ipauubaya na nila sa hukuman na gawin ang bahagi nito.
Ayon kay Remulla, iginagalang ng DOJ ang independence ng korte at hahayaan na umusad ang gulong ng hustisya.
Aminado ang kalihim na maaaring magiging mahirap ang nasabing laban pero Umaasa ito na makakamit ng mga biktima ang hustisya.
Moira Encina