DOJ isinasaayos na ang kaso sa CA para ideklarang teroristang grupo ang CPP-NPA
Desidido ang DOJ na i-akyat sa Court of Appeals (CA) ang kaso para ideklarang teroristang organisasyon ang CPP-NPA.
Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, noong Martes ay nagpulong na sila sa DOJ kung saan tinalakay ang mga susunod nilang hakbang.
Ito ay makaraang ibasura ng korte sa Maynila ang inihaing proscription case ng DOJ noong 2017 para ideklarang terrorist group ang CPP-NPA.
Pero sa halip na maghain ng apela sa Manila regional trial court ay magsasampa na lang ng panibagong kaso sa CA ang DOJ.
Tumanggi muna si Remulla na magbigay ng detalye para hindi ma-preempt ang kaso.
Sa desisyon ng Manila RTC Branch 19 ay sinabi na hindi maituturing na terorista ang CPP-NPA dahil hindi terorismo ang rebelyon.
Moira Encina