DOT, isinusulong ang investment sa marine transportation
Nananatiling hamon sa sektor ng turismo ang imprastraktura at connectivity lalo na sa Pilipinas na isang archipelago.
Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na patuloy ang pagsulong at panawagan nila sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na pagbutihin pa ang tourism infrastructures sa bansa.
Suportado rin ni Frasco ang hakbangin ng DOTr na isapribado ang operasyon ng mga paliparan.
Kabilang sa mga nais ng Kalihim ay ang investment sa mga transportasyong pandagat.
” Being an archipelagic country kailangan po din natin ng investment in terms of marine transportation connectivity by way of sea ” ani Frasco.
Target ng DOT na makamit ang 7.7 million international arrivals sa 2024.
Moira Encina