DOJ isinusulong ang pag-amyenda sa Dangerous Drugs law sa harap ng jail overcrowding
Panahon na para repasuhin ang Dangerous Drugs Act.
Ito ang iginiit ng Department of Justice (DOJ) sa ikalawang araw ng National Jail Decongestion Summit.
Sinabi ni Justice Undersecretary Jesse Andres na dapat nang amyendahan ang Dangerous Drugs Act para ito ay makasabay sa panahon.
Isa rin aniya sa mga pangunahing layunin ng pagrebyu sa batas ay mabawasan ang bilang ng mga nakukulong nang dahil sa kakaunting droga na nakumpiska mula sa mga ito.
Ayon sa opisyal, sa nakalipas na dalawang taon ay nasa 70,000 katao ang kinasuhan at nasa bilangguan dahil sa iligal na droga.
Kaugnay nito, inihayag ni Andres na plano nila na magpatawag ng drug summit kung saan iimbitahan ang iba’t ibang local stakeholders para sa panukalang pag-amyenda sa Dangerous Drugs law.
Iminungkahi naman ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) ang pagkakaroon ng alternatibo sa pagkakakulong para sa minor drug offenses.
Inihalimbawa ng UNODC ang health-oriented approach sa drug cases.
Paliwanag pa ng UNODC, napatunayan sa
Ibang mga bansa na mahalagang factor ang mga reporma sa drug policies para madecongest ang mga bilangguan.
“In the last few years over 60% of all indictments by Philippine prosecutors have been on drug cases often minor ones. Overfocusing on these offenses diverts vital resources from addressing serious crimes such as murder, child sexual exploitation, transnational organized crime, terrorism, and corruption,” paliwanag pa ni Marchesi.
Moira Encina