DOJ itinuloy ang pagdinig sa kaso ng pagpatay kay Trece Martires City Vice Mayor Alexander Lubigan

 

Ipinagpatuloy ng DOJ ang preliminary investigation ang kaso ng pagpatay kay Trece Martires City Vice Mayor Alexander Lubigan.

Sa pagdinig, iprinisinta ng pulisya ang tatlong testigo nila laban kina Trece Martires Citu Mayor Melandres De Sagun kung saan pinanumpaan  ng mga ito ang kanilang sinumpaang salaysay.

Kinuwestyon naman ng kampo ng mga respondents ang pagsusumite ng sinumpaang salaysay ng mga testigo ng complainant dahil ito ay inihain out of time o dapat ay kasama na inihain nitong reklamo

Kinontra naman ito ng abogado ng pamilya Lubigan na si Raymund Fortun at tinawag na premature at speculative ang pagtutol ng mga respondents.

Humarap din sa DOJ panel ang tatlong testigo ng mga respondents para pasinungalingan ang mga alegasyon kina De Sagun at pinanumpaan sa panel ang kanilang sworn affidavit.

Naghain din ang panig ng mga  complainant sa  ng reply affidavit sa isinumiteng kontra-salaysay ng kampo nina de Sagun at iba pang respondents.

Itinakda ng DOJ ang susunod na hearing at pagsusumite ng rejoinder affidavit nina De Sagun at mga respondents sa November 26, 2018 sa ganap na ala una y medya ng hapon.

Si Mayor De Sagun at ang iba pang respondents ay ipinagharap ng reklamong murder at frustrated murder sa DOJ dahil sa pagpatay kay Lubigan.

Si Lubigan ay tinambangan sa harap ng Korean-Philippines Hospital sa Brgy Luciano noong hapon ng July 7 na ikinasawi nito at ng kanyang driver at ikinasugat naman ng bodyguard.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *