DOJ kinumpirma ang paglipat sa BJMP facility ng Degamo murder suspects mula sa NBI detention center
Nasa kustodiya na ng Bureau of Jail Management ang Penology (BJMP) ang 11 akusado sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na iba pang biktima.
Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, inilipat sa Manila City Jail- Annex sa Bicutan ang mga akusado matapos ang inisyung committment order ng Manila Regional Trial Court.
Kabilang sa mga inilipat ang sinasabing co-mastermind sa krimen na si Marvin Miranda.
Una nang hiniling sa korte na ilipat ng piitan ang 11 Degamo accused dahil sa nakatakdang demolisyon sa NBI building sa Taft Avenue, Maynila kung nasaan ang NBI detention facility.
Sa July 19, Miyerkules itinakda ng korte sa Maynila ang arraignment sa mga nasabing akusado na iinagpaliban noong Mayo makaraan na maghain ng recantation ang mga akusado at hiniling na ibasura ang kaso dahil sa umano’y iligal na pag-aresto sa kanila.
Moira Encina