DOJ maghahain ng petition for contempt laban kay Sen de Lima dahil sa pagtalakay sa media sa mga nagaganap sa paglilitis sa drug case laban dito

Nais ng Department of Justice o DOJ na patawan ng contempt ng hukuman si Senador Leila de Lima dahil sa paglabag sa sub judice rule o gag order kaugnay sa nagpapatuloy na paglilitis sa kasong iligal na droga laban dito.

Sa online Kapihan sa Manila Bay news forum, sinabi ni Prosecutor General Benedicto Malcontento na maghahain sila ng petition for contempt sa Muntinlupa RTC laban kay De Lima sa susunod na linggo.

Ito ay bunsod ng pagtalakay sa media ng kampo ng senadora ng mga nagaganap sa paglilitis sa drug case laban dito.

Iginiit ni Malcontento na unfair ang ginagawa ng panig ni  De Lima at hindi sila papatol sa mga ito sa pamamagitan ng pagsasalita sa media ukol sa kaso dahil kailangan nilang igalang ang independence ng hukuman.

Ipinunto pa ni Malcontento na walang recantation o hindi binawa ng kanilang mga testigo ang kanilang testimonya laban sa senadora.

Moira Encina

Please follow and like us: