DOJ magiisyu ng lookout bulletin order laban sa mga sangkot sa sinasabing maling paggamit ng COVID funds ng gobyerno
Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra na nakatakda niyang lagdaan ang immigration lookout bulletin order (ILBO) laban sa mga taong idinadawit sa sinasabing misuse ng COVID-19 response funds.
Ito ay matapos hilingin ng Senado na nagiimbestiga sa isyu na maglabas ng ILBO ang kagawaran laban sa mga sangkot sa kontrobersya.
Pero, nilinaw ni Guevarra na ang ILBO ay hindi hold departure order (HDO).
Tanging ang mga korte lamang aniya ang maaaring magpalabas ng HDO laban sa mga taong may kinakaharap na kasong kriminal.
Paliwanag pa ni Guevarra, ang ILBO na iniisyu ng DOJ ay mekanismo para mamonitor ang pagbiyahe ng taong sakop ng kautusan.
Moira Encina