DOJ , magpapatupad ng reporma sa New Bilibid Prisons
Magpapatupad na nang reporma ang Department of Justice sa New Bilibid Prisons sa susunod na tatlumpung araw.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, kasama sa kanilang gagawing reporma ang pagtatanggal ng lahat ng linya ng komunikasyon sa NBP.
Ito aniya ang ginagamit ng mga bilanggo para makipagtransaksyon gayong mahigpit itong ipinagbabawal ng batas.
magpapatupad rin sila ng malawakang pagbalasa sa lahat ng mga empleado at magpatupad ng early retirement sa mga sa tingin nila ay matagal nang nakapagserbisyo.
Paglilinaw ng kalihim magsasagawa muna sila ng evaluation at tiniyak na igagalang ang karapatan ng mga empleado ng Bucor.
Kinumpirma naman ni Remulla sa mga Senador sa budget hearing na nagbigay na nang commitment ang DPWH para simulan ang konstruksyon ng super maximum na bilangguan sa Enero ng susunod na taon para sa mga high profile criminals.
Gagawin ito sa Sablayan , Mindoro Occidental na target matapos sa susunod na 15 buwan.
Sa itatayong super max, nasa dalawang libo lang ang ililipat at hindi lahat ng convicted criminals sa National Penitentiary.
Meanne Corvera