DOJ, nagpalabas na ng Immigration Lookout Bulletin order laban sa sinasabing drug queen na si Guia Gomez Castro
Nag-isyu ang Department of Justice (DOJ) ng Immigration lookout bulletin order laban sa tinaguriang Drug Queen na si Guia Gomez Castro.
Ito ay kahit nakaalis na ng bansa si Castro papuntang Bangkok, Thailand noong September 21.
Sa tatlong pahinang ILBO na may lagda ni Justice Secretary Menardo Guevarra,
Sinabi na ipinalabas ang lookout order dahil sa bigat ng mga alegasyon laban kay Castro at dahil sa malaking posibilidad na takasan nito ang ligal na proseso sa bansa.
Ayon sa kautusan, layunin ng ILBO na mamonitor ang galaw o kinaroroonan ni Castro sa ibang bansa.
Alinsunod sa ILBO, inatasan ang mga tauhan ng Bureau of Immigration na maging alerto kapag makita si Castro sa mga Immigration counters sa alinmang mga paliparan, international ports o seaports sa bansa.
Agad din pinagrereport ni Guevarra ang mga BI officials sa kanyang tanggapan o kaya sa Office of the Prosecutor General kung magtatangkang umalis ng bansa si Castro.
Ipinag-utos din sa mga Immigration officers na gawin ang lahat ng mga nararapat na aksyon gaya pero hindi limitado sa pakikipag-ugnayan sa mga korte at iba pang concerned agencies.
Ulat ni Moira Encina