DOJ nagsagawa ng medical mission sa babaeng PDLs sa CIW
Nagkaloob ang Department of Justice (DOJ) ng libreng konsultasyon at medical screenings sa babaeng Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City.
Nakatuwang ng DOJ sa medical mission ang City Health Department ng Mandaluyong at ang pribadong sektor.
Ayon sa DOJ, bahagi ito ng pagdiriwang sa Buwan ng mga Kababaihan ngayong Marso at para matiyak ang kalusugan at kalagayan ng mga babaeng inmate.
Sinabi ng DOJ na may karapatan pa rin ang PDLs sa makataong pagtrato at mga serbisyo.
Nasa 3,000 ang populasyon ng babaeng PDLs sa CIW.
Moira Encina
Please follow and like us: