DOJ naisumite na sa Malacañang ang ginawang rebyu sa pagbuwag sa Visiting Forces Agreement
Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na naisumite na nito sa Malacañang ang ginawang pag-aaral sa kanselasyon ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at US.
Ayon kay Guevarra, naibigay na niya ang kopya ng VFA Termination review noong nakaraang linggo sa Palasyo.
Nakatakda namang makipag-pulong ang kalihim kay Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes kaugnay sa pagbuwag sa VFA.
Tiniyak ni Guevarra na ilalabas nila ang laman ng review sa oras na matalakay ito sa Pangulo at sa iba pang opisyal ng pamahalaan.
Una nang inatasan ng Malacañang ang DOJ na rebyuhin ang legal procedure at ang implikasyon ng pagbuwag sa VFA.
Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na iniutos na ng Pangulo na i-notify ang uUS ukol sa pagkansela sa VFA.
Pero kinontra naman ito ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at tinawag na “fake news” ang pahayag ni Panelo.
Ulat ni Moira Encina