DOJ naniniwalang marami pang probisyon ng Human Security Act ang dapat maamyendahan para mapalakas ang laban sa terorismo

Naniniwala si Justice Secretary Menardo Guevarra na marami pang mga probisyon sa Human Security Act ang dapat amyendahan para mapalakas ang laban sa terorismo.

Ang pahayag ng kalihim ay kasunod ng  pagkaka-convict ng Taguig Regional Trial Court Branch 70 sa kasong terorismo at rebelyon laban sa ilang miyembro ng Maute group na sangkot sa Marawi Siege.

Gayunman, sinabi ni Guevarra na matagumpay ang pagsusulong ng gobyerno sa kaso laban sa ilang miyembro ng Maute group dahil itinuturing itong major terrorism case.

Hinatulang guilty ng korte si Nur Supian sa kasong terorismo dahil sa pag-recruit ng mga tao para gawing miyembro ng Maute group upang makipaglaban sa tropa ng pamahalaan.

Sinentensyahan si Supian ng Korte ng 40 taong pagkabilanggo.

Habang pinatawan ng conviction na may walong taon hanggang 14 na taong pagkakakulong sa kasong rebelyon sina Araji Samindih at Umad Harun dahil sa partisipasyon sa bakbakan sa Marawi.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *