DOJ paiiralin pa rin ang presumption of innocence kina Shiela Guo at Cassandra Ong

JUSTICE SEC CRISPIN REMULLA

Nilinaw ni Department of Justice Secretary Crispin Remulla, na may presumption of innocence pa rin sa kapatid ni Alice Guo na si Shiela Guo at kay Cassandra Ong na iniuugnay sa POGO sa Porac.

Sinabi ni Remulla na may paglabag sa immigration laws kaya ang dalawa ay kinuha at dinala ng Bureau of Immigration (BI) mula sa Indonesia.

Ayon kay Remulla, “May presumption of innocence pa rin yan. Ang nangyari kasi dyan, there’s a violation of immigration laws that are involved. Thats why it’s the immigration people who took charge of it.”

Alice Guo & Cassandara Ong / Photo: Courtesy bureau of immigration

Ayon sa kalihim, kinakailangan na maisampa ang mga kinakaulang kaso at mabatid ang katotohanan kung bakit nakaalis ang mga ito ng Pilipinas nang hindi nalalaman ng mga awtoridad sa kabila ng lookout order.

Binigyang-diin ni Remulla na mahalagang maigalang pa rin ang karapatan ng dalawa, kaya hindi muna inilagay sa kustodya ng Senado at Kamara sina Guo at Ong.

Aniya, “We have to process them first, saka na muna ang legislative investigation. We have to respect the rights of people. Ayaw nating mag-violate ng rights. We cannot make a spectacle of everything. I know that media wants to cover it, every detail of it, but we have to expect the rights of people.”

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *