DOJ pinag-i-inhibit ng kampo ni Cong. Teves sa pagdinig ng murder charges laban sa kongresista

Naghain ng urgent motion sa Department of Justice (DOJ) ang kampo ni Congressman Arnolfo Teves Jr. upang mag-inhibit ang kagawaran at ang panel of prosecutors sa pagdinig sa reklamong murder laban sa kongresista.

Ayon sa legal counsel ni Teves na si Atty. Edward Santiago, pinagkaitan ng DOJ ng due process at patas na pagtrato si Teves.

Paliwanag ng abogado, na-prejudged na si Teves dahil bago pa man maisampa ang murder complaint laban kay Teves sa DOJ ay itinuro na ni Justice Secretary Crispin Remulla ang kongresista bilang utak sa krimen.

Mistula aniyang kinokondena na ni Remulla si Teves sa harap ng impluwensya niya sa mga piskal na sakop niya bago pa maihain ang reklamo kaya hindi na makaka-asa ng tunay na hustisya ang mambabatas sa DOJ.

Kaugnay nito, hiniling ng panig ni Teves sa kanilang mosyon na ilipat sa Office of the Ombudsman ang paghawak sa reklamo.

Iginiit nila na may hurisdiksyon

ang Ombudsman sa kaso ni Teves dahil ito ay halal na kinatawan ng Negros Oriental Third District.

Kumbinsido rin ang abogado na magiging patas ang Ombudsman at matitiyak na maigagalang ang right to due process ng kanilang kliyente.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *