DOJ pinagaaralan na baguhin ang ilang rules sa deportasyon
Plano ng Department of Justice (DOJ) na rebisabin ang mga panuntunan ukol sa deportasyon.
Ito ay sa harap ng isyu ng apat na Japanese fugitives na nais ipadeport ng Japan kaugnay sa mga serye ng nakawan doon.
Sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na pinag-aaralan nila ang deportation rules.
Sa tingin aniya ng kagawaran ay dapat na baguhin ang ilan sa mga proseso ng deportasyon dahil hindi na ito praktikal.
Ayon sa kalihim, “learning experience” sa bansa ang kaso ng apat na puganteng Hapon.
Hindi maipadideport ang isang dayuhan kung may pending ito na kaso sa korte sa bansa.
Naniniwala si Remulla na inaabuso ng ilang abogado ang rules na sumasaklaw sa deportasyon para maghain ng imbentong kaso at mahadlangan ang deportation.
Inihayag ni Remulla na hihintayin muna nila ang deportasyon sa mga nasabing banyaga bago na amyendahan ang mga patakaran sa deportation.
Moira Encina