DOJ pinagkukomento ng Makati RTC Branch 148 sa Motion for Partial Reconsideration ng kampo ni Senador Trillanes

Binigyan ng Makati RTC Branch 148 ang DOJ ng limang araw para maghain ng komento sa motion for partial reconsideration ni Senador Antonio Trillanes.

Ito ay kaugnay sa October 22 ruling ni Branch 148 Judge Andres Soriano na nagbabasura sa mosyon ng DOJ na ipaaresto si Trillanes pero pinagtitibay ang legalidad ng Proclamation 572 ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Branch 148 Clerk of Court Atty Maria Rhodora Peralta, naghain na ng kanyang motion for partial reconsideration si Trillanes noong Lunes.

Sa kautusan anya ni Judge Soriano noong Martes, may limang araw ang DOJ para magsumite ng komento sa apela ng senador na ideklarang labag sa Saligang Batas ang Proclamation 572.

Una nang naghain ang DOJ ng Motion for Partial Reconsideration matapos hindi pagbigyan ang hirit nila na arrest warrant laban kay Trillanes.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *