DOJ pinagtibay ang pagbasura sa kaso laban kay UST Civil Law dean Nilo Divina
Pinagtibay ng DOJ ang pagbasura nito sa kasong kriminal laban kay UST Civil Law dean Nilo Divina at iba pang trustees Aegis Juris Foundation, Inc. kaugnay sa hinihinalang pagkamatay sa hazing ng freshman law student na si Horacio Atio Castillo III.
Ito ay matapos ibasura ng DOJ ang petition for review na inihain ng mga magulang ni Atio.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ibinasura ang petisyon ng mga Castillo dahil sa late filing.
Ang resolusyon ay nilagdaan ni dating Justice Undersecretary Antonio Kho Jr.
Sa ilalim ng Rules of the DOJ National Prosecution Service, kailangang maihain ang apela sa loob ng 15 araw mula nang matanggap ang resolusyon ng kaso.
Sa kaso ng mga Castillo, naihain nila ang kanilang apela noong April 19, 2018 o 35 araw matapos na matanggap ang resolusyon.
Ulat ni Moira Encina