DOJ pinai-imbestigahan sa PCGG ang umano’y nakaw na yaman ni COMELEC Chair Bautista

Pinaiimbestigahan na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa Presidential Commission on Good Government ang mga alegasyon ng katiwalian at nakaw na yaman laban kay COMELEC  Chief Andres Bautista noong termino nito bilang  PCGG Chairman.

Ang PCGG ay nasa ilalim ng administratibong pangangasiwa ng DOJ.

Sa Department Order 551 ni Aguirre,  pinabubusisi sa PCGG ang report ng Commission on Audit ukol sa mahigit one hundred thousand pesos na unliquidated cash disbursement mula sa Philippine National Bank dollar escrow accounts ng PCGG noong panahon ni Bautista.

Gayundin, ang napaulat na pag-abuso sa mga resources ng PCGG na sequestered at surrendered entities gaya ng milyun-milyong pisong halaga ng gift cheques at cards na natanggap ni Bautista at mga staff nito at maging ng mga miyembro ng Media.

Pinauungkat din ng DOJ saPCGG ang sinasabing mga komisyon at kickbacks ni Bautista kabilang na ang excessive billings  sa mga law firms na konektado sa opisyal.

Nais din ng DOJ na imbestigahan ang mga kaso ng PCGG na parehong sibil at kriminal  na nabasura at nakompromiso.

At ang recovery at forfeiture ng mga assets ng mga Marcos at kanilang cronies  na kwestyunableng nanatiling unsequestered.

Kaugnay nito, inatasan ng DOJ ang PCGG na makipagunayan sa NBI at COA sa imbestigasyon nito at isumite ang report at rekomendasyon sa kalihim.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *