DOJ pormal nang inatasan ang NBI na imbestigahan ang alegasyon ng katiwalian sa PCSO
Pormal nang inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang NBI na imbestigahan ang sinasabing katiwalian sa operasyon ng PCSO.
Sa Department Order 384, ipinagutos din ni Guevarra ang case build-up sa isyu ng kurapsyon sa PCSO at sa iba ibang gaming operations.
Ayon sa kautusan, sakaling makakita ang NBI ng sapat na ebidensiya ng kurapsyon ay magsampa ito ng kaukulang kaso laban sa mga taong sangkot.
Una nang sinabi ni Guevarra na may kapangyarihan ang pangulo na suspendihin o i-terminate ang operasyon ng mga lotto outlets kung may ebidensya na hindi nila nire-remit sa gobyerno ang tamang kita.
Ayon sa kalihim, ang lisensiya mula sa PCSO ay isang pribilehiyo lamang at hindi karapatan kaya maari itong ipawalang bisa ng estado.Attachments area.
Ulat ni Moira Encina