DOJ Sec. Aguirre pinuna ang kakulangan ng CHR na protektahan ang karapatang pantao ng lahat kaya binigyan lang ng ₱1,000 budget
Pinuna ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang pagiging one-sided at mga pagkukulang ng commission on human rights kaya binigyan lamang ito ng isanglibong pisong budget ng Kamara para sa susunod na taon.
Sinabi ng kalihim na bigo ang CHR na protektahan ang karapatang pantao ng lahat.
Aniya tanging ang mga kinukondena at iniimbestigahan ng CHR ay ang mga kasong alam nilang makakasira sa pamahalaang Duterte gaya ng mga napapatay ng pulis sa mga operasyon nito partikular sa gyera kontra droga.
Iginiit ni Aguirre na dapat ay pinupuntirya rin ng CHR ang mga gawain ng mga drug lords at trafficker na sanhi ng mga krimen sa bansa.
Dapat din aniyang kondenahin ng CHR ang ang ibang mga karumal-dumal na krimen lalo na ang kagagawan ng mga salaring lulon sa droga
Inihalimbawa pa ni Aguirre ang pananahimik ng CHR sa pagmasaker sa limang miyembro ng isang pamilya sa San Jose del Monte, Bulacan at sa mga komunista at sa pagkamatay ng mga SAF troopers sa Mamasapano.
Ulat ni: Moira Encina