DOJ Sec. Guevarra nilagdaan na ang joint guidelines sa pag-aresto sa mga lalabag sa health at quarantine protocols
Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra na pinirmahan na niya ang joint memorandum circular (JMC) kaugnay sa pagdakip at pag-imbestiga sa mga taong lalabag sa health at quarantine regulations.
Ayon kay Guevarra, ipadadala kay Interior Sec. Eduardo Año at PNP Chief Guillermo Eleazar ang joint guidelines para sa kanilang lagda.
Walang ibinigay na detalye si Guevarra sa nilalaman ng memo circular.
Sinabi ng kalihim na mabuting ipagpaliban sa Lunes ang anumang pagtalakay ukol sa JMC na isang importanteng usapin lalo na’t Biyernes na ng hapon.
Umaasa si Guevarra na pagdating ng Lunes ay napirmahan na ang JMC nina Año at Eleazar.
Una nang ipinagutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang mga taong hindi magsusuot ng face mask.
Inatasan naman ng pangulo ang DOJ at DILG na bumuo ng panuntunan para sa akmang implementasyon ng kanyang direktiba.
Moira Encina