DOJ sinimulan na ang pagdinig sa kaso laban sa concert organizers at opisyal ng Unilever kaugnay sa Close Up Forever Summer Rave Party

Gumulong na ang preliminary investigation ng DOJ sa reklamong criminal negligence laban sa mga opisyal ng Unilever , mga concert at security organizers sa Close Up forever summer rave party noong Mayo 2016 na ikinasawi ng limang tao.

Bigong humarap sa pagdinig ang mga respondent partikular na ang mga opisyal ng Unilever Philippines, Close Up, Activations Advertising INC., at iba pa.

Tanging ang abogado lamang nila ang humarap at  hiniling na maipagpaliban ang pagsusumite ng kontra-salaysay ng kanilang mga kliyente.

Itinakda ni Associate Prosecution Atty. Anna Noreen Devanadera ang susunod na pagdinig at paghahain ng counter-affidavit sa March 17.

Ipinahayag naman ng kampo ng mga private complainant ang balak nila na magsumite ng amended affidavit para dagdagan ang mga respondent sa kaso.

Naniniwala sila na may ilan pang opisyal ng Unilever at iba pang kumpanya na may kinalaman sa concert na dapat ding mapanagot.

Batay sa reklamo ng NBI, pananagutan at responsibilidad ng mga respondent ang nangyari sa rave party.

May kapangyarihan at otoridad anila ang mga respondent na maiwasan ang insidente pero nabigo silang magawa ito.

ulat ni : Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *