DOJ sinimulan na ang pagdinig sa mga reklamong kriminal na inihain ng mga magulang ng mga batang namatay matapos mabakunahan ng Dengvaxia

Sinimulan na rin ng DOJ ang preliminary investigation sa hiwalay pang reklamong kriminal laban sa mga nasa likod ng implementasyon ng 3.5 billion peso na Dengvaxia vaccination program.

Ang pagdinig ay kaugnay sa mga reklamong reckless imprudence resulting in homicide at mga paglabag sa Anti-torture act na isinampa ng mga magulang ng mga batang nasawi matapos maturukan ng anti-dengue vaccine.

Partikular na dininig ng panel of prosecutors ang mga kasong inihain nina Ramil Pestilos at Liza Maquilan, Ian Colite, Almer Bautista, Elena Baldonado at Ariel Hedia sa pamamagitan ng Public Attorney’s Office.

Binigyan ni panel chair Assistant State Prosecutor Maria Emilia Victorio ang mga respondents ng hanggang June 25 para magsumit ng counter-affidavit.

Kabilang sa mga respondents sina  dating Health Secretary Janette Garin at kasalukuyang Health Secretary Francisco Duque III.

Ang mga abogado lang ng mga nasabing respondents ang humarap.

Ilan pa sa mga sinampahan ng reklamo ang mga opisyal ng Sanofi Pasteur at Zuellig Pharma at mga dati at kasalukuyang opisyal ng DOH.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *