DOJ, sinimulan na ang preliminary investigation sa reklamong Cyberlibel laban kina Maria Ressa at 8 iba pang Rappler officials

 

Sinimulan na ng DOJ ang pagdinig sa reklamong Cyberlibel na inihain ng National Bureau of Investigation o NBI laban kay Rappler editor-in-chief Maria Ressa at sa walong iba pang opisyal ng online news website.

No show sa unang araw ng preliminary investigation at bigong makapaghain ng kontra-salaysay si Ressa at ang pito iba pang mga respondents.

Tanging si Rappler Director Jose Maria Hofilena ang sumipot at nagsumite ng kanyang counter-affidavit.

Binawi naman ng abogado ng respondent na si Glenda Gloria ang inihain nitong kontra- salaysay noong nakaraang linggo para rebisahin.

Hindi rin isinumite ng abogado ni Ressa ang counter-affidavit na una nitong pinanumpaan para rin rebisahin.

Itinakda ng Department of Justice o DOJ sa April 10 ang susunod na pagdinig para panumpaan ng private complainant na si Wilfredo Keng ang reklamo laban kina Ressa.

Ang kaso ng NBI laban kina Ressa ay nag-ugat sa reklamo ni Keng dahil sa inilabas na artikulo ng Rappler sa website nito noong May 29, 2012 na ni-repost noong February 19, 2014 na  tinukoy na pagmamay-ari umano ni Keng ang itim na SUV  na ginagamit noon ni Dating Chief Justice Renato Corona.

Inakusahan din si Keng ng pagkakasangkot sa ibat-ibang mga krimen.

Ayon sa reklamo ng NBI, bagamat orihinal na nalathala ang artikulo noong 2012 at na-update noong 2014 ay patuloy pa ring nababasa  sa website ng Rappler ang ulat.

Sinabi ng NBI na ang continuous online publication  ng nasabing report ay maituturing na continuous crime maliban  kung ito ay tuluyang inalis na sa website ng Rappler.

Nagsagawa pa ang NBI ng computer forensic examination sa website ng Rappler at napatunayang patuloy pa rin itong nakalathala sa Rappler hanggang sa kasalukuyan.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *