DOJ sisimulan na ngayong araw ang pagdinig sa mga reklamo ng SEC laban sa mga KAPA officials
Gugulong na ngayong araw ang Preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) sa mga reklamo na isnampa ng Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa mga opisyal ng Kapa Community Ministry International, Inc.
Itinakda ang pagdinig sa ganap na ala-1:00 ng hapon.
Partikular na kinasuhan ng SEC at pinapadalo sa pagdinig sina Kapa founder at President Joel Apolinario, Trustee na si Margie Danao at Corporate secretary na si Reyna Apolinario.
Gayundin sina Marisol Diaz, Adelfa Fernandico, Moises Mopia, Catherine Evangelista at Rene Catubigan.
Ang mga respondents ay nahaharap sa mga reklamong paglabag sa Sections 8, 26, at 28 sa ilalim ng Securities Regulation code.
Una nang nag-isyu ang Davao RTC ng Precautionary hold departure order laban sa mga respondents pabor sa mosyon ng DOJ para hindi sila makaalis ng bansa habang dinidinig ang reklamo.
Ulat ni Moira Encina