DOJ, suportado ang panukalang palawakin ang JBC compostion

Pabor si Justice Secretary Menardo Guevarra sa panukala ng Consultative Committee o ConCom na palawakin ang komposisyon ng Judicial and Bar Council sa isinusulong na amyenda sa Saligang Batas.

Sinabi ni Guevarra, na ex-officio member ng JBC, mabuting ideya ang repormang iminumungkahi ng ConCom.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, ang JBC ang mayroong mandato na tumanggap at magsala ng mga aplikasyon at nominasyon sa posisyon sa Hudikatura, Ombudsman at Deputy Ombudsman.

Ito ay binubuo sa kasalukuyan ng pitong myembro na Chief Justice, Justice Secretary at kinatawan mula sa Kongreso na mga ex-officio member at regular member naman ang isang kinatawan mula sa hanay ng mga retired justice, academe, Integrated Bar of the Philippines at pribadong sektor.

Nais ni Retired Chief Justice na namumuno sa Concom na gawin na ring ex- officio members ng JBC ang Ombudsman at mga chairperson ng Civil Service Commission at Commission on Audit para mas masala ang kwalipikasyon  at integridad ng mga aspirante.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *