DOJ, tinapos na ang pagdinig sa kaso ng pagpatay kay QC Deputy City Prosecutor Rogelio Velasco

Tinapos na ng DOJ ang pagdinig nito sa kaso ng pagpatay kay Quezon City Deputy City Prosecutor Rogelio Velasco.

Si Velasco ay sakay ng pulang Toyota Innova nang harangin at pagbabarilin ng mga gunmen na lulan naman ng puting Innova noong May 11, 2018 sa tapat ng Pwesto Community Mall sa Brgy Holy Spirit, Quezon City.

Kasong murder ang inihain ng NBI laban sa tatlong pulis na suspek at walong iba pang John Does at Jane Does.

Partikular na inakusahan ng murder sina SPO2 Rodante Sicat Lalimarco, PO3 Arthur Yasonla Lucy at PO1 Jose Unar Mercado.

Sa huling preliminary investigation, ipinalabas ng NBI  ang mga kuha sa CCTV ng mga suspek mula  sa Elliptical Circle, pagkatapos ay sa Quezon City Hall compound at huli ay sa crime scene sa tapat ng Ababu Persian Kitchen sa Pwesto Community Mall sa kahabaan ng Don Antonio Street, Brgy Holy Spirit, QC.

Kinuwestyon naman ng mga abogado ng mga respondents na pulis kung paano natukoy ang pagkakakilanlan ng kanilang kliyente sa video gayong hindi naman malinaw ang kuha sa mukha ng mga suspek sa video.

Ayon naman sa NBI, ang mga suspek ay positibong kinilala ng kanilang mga testigo

Pinayagan naman ni Senior Assistant State Prosecutor Ong ang kampo ng respondents na maghain ng manifestation kaugnay sa ipinalabas na CCTV.

Pinanumpaan ng ilan pang testigo ng NBI ang kanilang salaysay.

May 60 araw ang DOJ para magpalabas ng resolusyon kung ibabasura nito ang kaso laban sa mga pulis o tuluyang isasampa sa korte ang kaso.

Ulat ni Moira Encina




Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *