DOJ tinitingnan ang anggulo ng sabwatan sa pagbaligtad ng 10 suspects sa Degamo killing
Hinala ng Department of Justice (DOJ) na may nangyayaring sabwatan sa pagitan ng mga akusado sa Degamo killing.
Ito’y matapos ang halos sabay-sabay na pagbaligtad ng mga ito sa kanilang mga naunang testimonya na nagtuturo kay suspended Congressman Arnolfo Teves Jr. at Marvin Miranda bilang mga utak sa pamamaslang kay Gov. Degamo at siyam na iba pa.
Sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na pinapatunayan nito na parte rin ang mga akusado ng conspiracy upang itago o i-cover upang katotohanan.
Kumbinsido si Remulla na si dating DOJ undersecretary Reynante Orceo na abogado ng sinasabing co-mastermind sa krimen na si Marvin Miranda ang nasa likod ng pagtalikod ng mga akusado.
Sinabi pa ng kalihim na pai-imbestigahan nila sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) sina Orceo at iba pang abogado na posibleng dawit sa recantation ng mga suspek.
Moira Encina