DOJ tiniyak na hindi itatago sa publiko ang resulta ng imbestigasyon nito sa drug war killings
Walang intensyon ang pamahalaan na ilihim sa publiko ang rebyu at imbestigasyon nito sa mga anti-illegal drugs operations na nagresulta sa pagkamatay ng mga suspek.
Ito ang tugon ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa panawagan ni United Nations High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet na isapubliko ng Department of Justice ang findings nito sa drug war killings sa Pilipinas.
Ayon kay Guevarra, ang isyu ng imbestigasyon sa drug war deaths ay iniuulat sa mamamayan.
Sinabi pa ng kalihim na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng DOJ na magsagawa ang NBI ng case build-up at maghain ng kaukulang kaso nang ihayag nito sa UN General Assembly na inatasan nito ang DOJ at PNP na rebyuhin ang implementasyon ng giyera kontra droga.
Sa ulat ni Bachelet sa UN Human Rights Council, hinimok din nito ang gobyerno na isama ang Commission on Human Rights at iba pang ahensya sa pagrebyu sa drug war.
Moira Encina