DOJ tuloy sa pag-usig sa De Lima drug case

Kumpiyansa ang DOJ na malakas pa rin ang kaso laban kay Senador Leila de Lima kaugnay sa illegal drug trading sa Bilibid.

Ito ay sa harap ng sinasabing pagbawi ng ilang testigo sa kanilang testimonya sa pagkakadawit ni De Lima sa drug case.

Iginiit ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hanggat hindi naisasalang sa cross examination sa korte ang umano’y retraction ng ilang personalidad ay wala itong bigat o probative value.

Dahil dito, itutuloy ng DOJ prosecutors ang pag-usig sa De Lima drug case.

Una nang inirekomenda ng DOJ panel of prosecutors kay Guevarra ang aktibong prosekusyon sa senadora matapos na rebyuhin ang mga ebidensya laban dito.

Sinabi ni Guevarra na tiwala ang mga piskal na may mabuting rason upang ituloy ang pag-usig kay De Lima.

Binigyang- diin pa ng kalihim na ang korte ang may pinal na salita sa kaso at walang sinuman.

Moira Encina

Please follow and like us: