DOJ Usec. Markk Perete naghain na ng kanyang resignation sa Malacañang- Guevarra

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na naghain na ng kanyang resignation sa Malacañang si Justice Undersecretary at Spokesperson Markk Perete.

Ayon kay Guevarra, bilang presidential appointee ay isinumite ni Perete ang kanyang resignation letter kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ng kalihim na bago ito ay ipinaliwanag muna ni Perete sa kanya ang mga dahilan ng kanyang pagbibitiw sa pwesto.

Anya “very personal” ang mga rason ni Perete kaya mabuting respetuhin na lamang ang privacy nito.

Si Perete ay itinalaga ng Pangulo bilang isa sa mga undersecretaries ng DOJ noong Hulyo 2018 batay sa rekomendasyon ni Guevarra.

Hinirang naman siya ni Guevarra na maging opisyal na tagapagsalita ng kagawaran noong Oktubre ng parehong taon.

Nagsilbing legal counsel si Perete sa isang malaking multinational company at nagturo rin sa ibat-ibang unibersidad bago maging opisyal ng DOJ.

As a presidential appointee, Usec. Markk Perete tendered his resignation to the President today. Before doing so, he explained to me the reasons for tendering his resignation. As these reasons were very personal, the least that we could do for him is to respect his privacy and wish him well.

– Justice Sec. Menardo Guevarra

Moira Encina

Please follow and like us: