DOJ Usec. naniniwalang hindi pa nanumbalik ang kalakalan ng iligal na droga sa NBP
Naniniwala ang isang opisyal ng DOJ na hindi tamang sabihin na nanumbalik ang kalakalan ng iligal na droga sa New Bilibid Prisons.
Sinabi ni Justice Undersecretary Antonio Kho Jr., hindi pa naman talaga nawawala ang illegal drug trade sa loob ng bilibid.
Si Pangulong Duterte mismo aniya ang naniniwala na hindi pa nahihinto ang operasyon ng droga sa Pilipinas.
Pero ayon sa opisyal, patuloy ang pagsisikap ng DOJ at ang mga ahensiyang nasa ilalim nito gaya ng NBI at Bureau of Corrections para tuluyang masawata ang problema ng kalakalan ng droga.
Una nang pinakilos ni Aguirre ang NBI para imbestigahan kung paanong nabuhay ang drug trade sa Bilibid.
Ulat ni: Moira Encina