Doktor na sinasabing miyembro ng Maute, humarap sa pagdinig ng DOJ kaugnay sa reklamong kidnapping for ransom at murder
Humarap sa DOJ ang doktor na sinasabing miyembro ng grupong Maute para sa pagdinig ng reklamong kidnapping for ransom at murder na inihain laban dito.
Si Doctor Russel langi salicay sinampahan ng reklamong apat na bilang ng kidnap for ransom at dalawang bilang ng murder.
Dumalo rin sa preliminary investigation ang apat na Lumberyard employees na itinuro ang doktor na dumukot sa kanila noong Abril sa Brgy. Pocsan Putik sa Lanao del Sur.
Hiniling ng kampo ni Salic sa DOJ panel ng dagdag ng panahon para makapaghain ng kanyang kontra salaysay.
Pinagbigyan naman ito ng DOJ at itinakda ang susunod na pagdinig at paghahain ng doktor ng counter affidavit sa August 23.
Si Doc Salic ay nakapiit sa NBI detention facility sa Maynila.
Sa testimonya ng apat na biktima , dinukot silang mga manggagawa sa isang lumberyard sa Sandap noong Abril a kwatro, habang pinugutan ang 2 biktima na sina Jaymart Capangpangan at Salvador Janubas noong a-diyes ng Abril.
Ulat ni: Moira Encina