DOLE at BI pinaglulunsad ng crackdown laban sa mga illegal foreign workers.
Kinakalampag ng mga senador ang Department of Labor and Employment at https://www.dole.gov.phBureau of Immigration na magsagawa na ng crackdown laban sa mga illegal foreign workers.
Kasunod ito ng natanggap na reklamo ni Gatchalian na nagta trabaho na rin bilang mga construction workers sa Maynila ang ilang mga dayuhan sa pilipinas.
Paalala ng senador malinaw sa article xiii section 3 constitution na dapat tiyakin ng DOLE na nabibigyan ng pantay na pagtrato amg mga filipino workers.
Pero taliwas ito sa nangyayari dahil kahit mataas na ang unployment rate napupunta pa sa mga dayuhan ang trabaho para sa mga pinoy
Umaasa naman si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa commitment ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua na susunod ang mga chinese workers sa mga umiiral na batas sa Pilipinas.
Nauna nang sinabi ni Jianhua sa gobyerno na hindi nila papayagan ang illegal entry ng mga chinese workers.
Himok din ni Drilon si Finance Secretary Carlos Dominguez na bumuo ng inter agency body na syang mag iimbestiga kung gaano na karami ang mga foreign workers sa bansa kasama na ang nasa sektor ng Philippine online gaming operations.
“This is in order to ensure that they possess a valid alien employment permit and pay income taxes as required by our laws.”
Ulat ni Meanne Corvera