DOLE, hinihingan ng rekomendasyon ng Pangulong Duterte kaugnay sa Security of Tenure bill
Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng hanggang Lunes ang Department of Labor and Employment (DOLE) para makapagbigay ng rekomendasyon kaugnay sa Security of Tenure bill.
Ayon kay Labor secretary Silvestre Bello III, pag-aaralan nila ang lahat mg probisyon ng panukala at saka ito ipiprisinta sa Pangulo.
Kasabay nito, binigyang diin ni Bello na hindi nangangahulugan ng pagtalikod sa kanyang pangakong wakasan ang “endo” ang pag veto ng Pangulo sa Security of Tenure bill.
Nais lang aniyang makatiyak ng Pangulo na ang maipapasang batas ay tunay na magiging kapakinabangan at papabor sa mga manggagawa habang binibigyan naman ng konsiderasyon ang mga nasa business sector.
Ito rin aniya ang dahilan kaya nagpatawag ng Ledac meeting si Pangulong Duterte para hindi na maulit ang pangyayari sa nakaraan na na-veto ng Pangulo ang isang panukala.
Ulat ni Madz Moratillo