DOLE, ipinanawagan ang pagratipika sa Domestic workers convention

Hinimok ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang ibang bansa na ratipikahan ang Convention on Domestic Workers na isinulong sa International Labour Organization o ILO sa harap ng mga kaso ng pagmamaltrato sa mga Filipinong kasambahay sa ibang bansa.

Ang panawagan ay ginawa ni Bello sa unang yugto ng negosasyon para sa Global Compact for Safe, Orderly and Regular Migration na idinaos sa New York.

Ayon sa kalihim, panahon na para ratipikahan ng ibang bansa ang Domestic Workers Convention at UN Convention on the Protection and Promotion of the Rights of All Migrant Workers and Members of their Families para matiyak ang komprehensibong proteksyon sa lahat ng mga migrant workers.

Ang Domestic Workers Convention na napagbotohan noong June 2011 sa ILO Conference sa Geneva ay nagsusulong ng Labor standards para sa mga Domestic workers.

Noong Enero 2018, ang convention ay naratipikahan na ng 24 na bansa.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *