DOLE ipinasusumite ang listahan ng mga dayuhang manggagawa ng mga Philippine Offshore Gaming Operators
Ipinasusumite ng DOLE sa lahat ng accredited Philippine Offshore Gaming Operators o POGO ang kumpletong listahan ng mga dayuhang manggagawa nito sa bansa.
Ito ay para malaman kung ilan ba talaga ang mga legal na nagtatrabaho sa Pilipinas at kung nagbabayad ba ang mga ito na tamang buwis.
Binalaan ng DOLE ang mga banyaga na nasa listahan ng POGO na walang alien employment permit o AEP ay posibleng maharap sa deportasyon ng Bureau of Immigration.
Batay sa datos na isinumite ng PAGCOR sa DOLE, umaabot 76,936 ang nagtatrabaho sa 165 Service Providers ng POGO, na karamihan ay mga Chinese national.
Una nang inihayag ng Department of Finance na nasa 100- libong dayuhan sa POGO industry ang hindi nagbabayad ng tamang buwis.
Ulat ni Moira Encina