DOLE, isinasapinal na ang mga kumpanyang sangkot pa rin sa iligal na kontraktuwalisasyon

Isinasapinal na ng DOLE ang listahan ng mga kumpanyang sangkot pa rin sa endo o illegal contractualization.

Ito ay bilang pagsunod sa utos ni Pangulong Duterte na tukuyin at isumite sa kanya ang listahan ng mga kumpanya na lumalabag sa labor laws at sangkot sa labor-only contracting.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, isinasailalim na lamang ng Bureau of Working Conditions sa validation ang listahan na kanilang isusumite sa Malacanang sa May 25.

Ayon naman kay BWC Director Ma. Teresita Cucueco, nakapagsumite na ng listahan ng mga  kumpanya may paglabag ang mga Regional Offices ng DOLE sa Regions 4B, 6, 7, 11 at 12, habang ang  iba pa ay inaasahang makapagsusumite na sa susunod na linggo.

Karamihan sa mga paglabag na naitala ay ang hindi pagsunod sa minimum wage order, hindi tamang pag-compute sa mga overtime pay at isyu sa remittance ng social benefits gaya ng kontribusyon para sa Social Security System.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *