DOLE may paalala sa mga employer kaugnay sa tamang pasweldo para sa mga araw ng holiday sa Pebrero
Nagpaalala ang Department of Labor and Employment sa mga employer hinggil sa tamang bayad sa kanilang mga empleyado na papasok para sa mga araw ng holiday sa Pebrero.
Sa Labor Advisory ng DOLE na pirmado ni Secretary Silvestre Bello III, nakasaad na ang Pebrero 1, Chinese New Year at 25 na anibersaryo ng EDSA People Power revolution ay deklaradong special non working days.
Dahil rito, kung hindi papasok ang empleyado sa mga araw na ito, iiral ang no work no pay policy malibang may collective bargaining agreement na dapat ay bayaran ang empleyado.
Pero kung papasok naman ang isang empleyado sa nasabing araw, dapat siyang tumanggap ng karagdagang 30% ng kanyang basic wage.
Kung lalagpas naman sa 8 oras ang trabaho, dapat ay tumanggap sya ng karagdagang 30% ng kanyang hourly rate sa araw na iyon.
Kung day off naman pero pumasok parin, 50% ang dapat madagdag sa kanyang sweldo sa unang 8 oras at dagdag pang 30% kung sosobra sa 8 oras ang kanyang pagtatrabaho.
Madz Moratillo