DOLE nagpaalala sa holiday pay rules ngayong Pebrero

Nagpaalala ang Department of Labor and Employment sa mga employer hinggil sa tamang pasahod para sa mga araw ng holiday ngayong Pebrero.

Sa isang Labor Advisory na inilabas ng DOLE, deklaradong Special Non Working ngayong araw Pebrero 12 para sa Chinese New year at Pebrero 25 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ayon sa DOLE, kung ang isang empleyado ay hindi pumasok paiiralin ang no work no pay policy malibang may collective bargaining agreement o iba pang kasunduan hinggil rito.

Kung magtatrabaho naman ang isang empleyado dapat ay tumanggap ito ng 30% ng kanyang basic wage sa unang 8 oras.

Habang karagdagang 30% naman ng kanyang hourly rate sa araw na iyon kung lalagpas sa 8 oras ang trabaho.

Kung natapat naman sa day off ng isang empleyado pero pumasok parin ito, dapat itong bayaran ng 50% ng kanyang basic wage sa unang 8 oras.

Kung lalagpas naman sa 8 oras ang trabaho ay dapat itong bayaran ng dagdag pang 30% ng kanyang hourly rate para sa araw na iyon.

Madz Moratillo

Please follow and like us: