DOLE, nagpalabas ng pay rules kaugnay ng holiday bukas
Naglabas ng paalala ang Department of Labor and Employment hinggil sa dapat pairaling pay rules bukas, Mayo 13, kaugnay ng pagdiriwang ng Eid ‘l Fitr o pagtatapos ng Ramadan.
Sa isang advisory sinabi ng DOLE na ang Eid ‘l Fitr ay isang deklaradong regular holiday.
Kung sa araw na ito ay hindi papasok ang isang empleyado, siya ay dapat parin itong tumanggap ng 100 porsyento ng kanyang sahod para sa araw na iyon.
Kung pumasok naman sa trabaho, dapat siyang tumanggap ng 200 porsyento ng kanyang sahod sa unang 8 oras at karagdagang 30% ng kanyang hourly rate sa araw na iyon kung lalagpas sa 8 oras ang kanyang trabaho.
Kung natapat naman aa day off at pumasok parin sa trabaho ang isang empleyado, sya ay tatanggap ng karagdagang 30% ng kanyang basic wage sa araw na iyon.
Kung lalagpas naman sa 8 oras ang kanyang trabaho dapat siyang tumanggap ng karagdagang 30% ng kanyang hourly rate sa araw na iyon.
Madz Moratillo