DOLE, nanindigang mahigpit na sinusunod ang pagba-budget ng gobyerno at iba pang auditing rules
Iginiit ng Department of Labor and Employment na istrikto nilang sinusunod ang pagba-budget ng gobyerno at iba pang accounting at auditing rules at regulations sa paggamit ng pondo ng bayan.
Sa isang statement, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mapapatunayan nila ito sa pamamagitan ng 2 magkasunod na“Unqualified” audit opinion, ang pinakamataas na audit rating ng Commission on Audit (COA) para sa taong 2019 at 2020.
Kabilang sa mga ipinatupad na COVID-19 programs ng DOLE sa ilalim ng Bayanihan 1 at 2 ay ang COVID-19 Adjustment Measures Program o CAMP, Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers Barangay ko, Bahay ko o TUPAD-BKBK, at Abot-Kamay ang Pagtulong o AKAP.
Ang financial assistance ay nairelease sa pamamagitan ng mga money remittance centers.
Sinabi pa ng DOLE na nariyan rin ang Philippine Overseas Labor Offices o POLO para tugunan ang pangangailangan ng mga OFW.
Ayon kay Bello, ang P1.572 Billion unliquidated cash advance ng DOLE para sa December 30 2020, 62% ay tumutukoy sa DOLE- Central Office.
Hanggang nitong Hulyo 31, 2021, ang P974.513 Million ng DOLE-Central Office ay bumaba sa P216.301 Million o settlement rate na 78%.
Giit ng DOLE, ang isyu patungkol sa umano’y sobrang bayad, na-deny na claims at unclaimed assistance ay natugunan na ng DOLE.
Tiniyak ni Bello na sumunod ang DOLE sa mga naging observasyon at rekumendasyon ng COA.
Magsusumite rin umano ang DOLE ng updated compliance report sa loob ng 60 araw mula ng matanggap nila ang COA Report noong ika- 29 ng Hulyo.
Madz Moratillo