DOLE-Quirino Field Office, nagsagawa ng “Labor Education Seminar” sa bayan ng Diffun
Pinangunahan ng DOLE Quirino Field Office, ang “Labor Education Seminar” sa bayan ng Diffun, sa layuning mapalakas pa ang sektor ng manggagawa at kalakal.
Kasama sa mga inimbitahan sa naturang seminar ang mga employer ng mga pribadong negosyo, at ang ilan sa kanilang mga empleyado upang kanilang mapakinggan ang mga pangunahing panuntunan ng DOLE at partner agency nito na Department of Trade and Industry.
Karagdagang tinalakay ang ukol sa Occupational Safety and Health Standards Law, updates sa Labor Advisories at Basic Rights of Workers na naglalayong
maipaalam ang mga pangunahing karapatan ng isang manggagawa at ang mga obligasyon naman ng isang namumuhunan.
Naging makabuluhan ang naturang seminar, sapagkat nagbigay ng kaliwanagan sa mga dumalo ang paksang tinalakay.
Ulat ni Edel Allas