DOLE, tiniyak ang tulong sa mga manggagawang Pinoy mula sa Afghanistan
Tiniyak ng Department of Labor and Employment na may makukuha paring tulong mula sa gobyerno ang mga undocumented Pinoy na nagtatrabaho sa Afghanistan.
Ito ang tiniyak ni Labor Sec. Silvestre Bello III kasunod ng repatriation efforts sa mga Pinoy na nasa Afghanistan kasunod ng nangyayaring kaguluhan roon.
Paliwanag ni Bello, undocumented ang mga nasabing Pinoy na nagtatrabaho sa Afghanistan dahil hindi sila dumaan sa Philippine Overseas Employment Administration.
Ayon kay Bello, wala ring labor agreement ang Pilipinas at Afghanistan, idagdag pa na wala rin itong embahada o Philippine Labor Office roon.
Una rito, may 35 Pinoy mula sa Afghanistan na ang dumating sa bansa matapos mailikas ng kanilang kumpanya.
Madz Moratillo