DOLE, tiniyak na pag-aaralang mabuti ang 14th month pay bill
Pag-aaralang mabuti ng Department of Labor and Employment o DOLE ang panukalang batas na nagsusulong na mabigyan ng 14th month pay ang mga empleyado sa pribadong sektor.
Ang panukalang batas ay muling inihain ni Senate President Tito Sotto sa Mataas na Kapulungan.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, suportado ng DOLE ang anumang magbebenepisyo sa mga manggagawa at kani-kanilang pamilya.
Gayunman, aminado si Bello na sakaling maging ganap na batas ang panukala, kailangang matiyak na hindi ito magdudulot ng “imbalance” sa pangangailangan ng labor sector at kapasidad ng mga employer.
Sinabi ng kalihim na marapat ding idaan sa tripartite assessment ang 14th month pay bill, upang mabatid kung possible ba ito sa ilalam ng kasalukuyang sitwasyon ng ekonomiya sa bansa.
Ulat ni Madz Moratillo