DOLE, tiniyak na tutulungan ng pamahalaan ang OFW’s mula Saudi Arabia

Tiniyak ng Department of Labor and Employment na tutulungan ng pamahalaan ang umuwing OFW’s mula sa Saudi Arabia sa pagmonitor at pagfollow up sa kanilang hindi pa nabayarang sweldo at iba pang monetary claim mula sa mga kumpanya doon na nahaharap sa suliraning pinansyal.

Ayon kay OWWA Deputy Administrator Brigido Dulay at Atty. Ceasar Chavez ng OWWA Repatriation Assistance Division , nakikipag-ugnayan na sila sa Philippine Overseas Labor Office sa Al Khobar para mapabilis ang pag-proseso ng monetary claims ng OFW’s sa korte sa Saudi.

Ayon pa kay Dulay, inaasikaso nila ang mga labor case na isinumite ng may 100 OFW’s na huling nagsampa ng reklamo para  matanggap ang mga sahod at benepisyong hindi ibinigay ng kanilang employer.

Kaugnay nito, hinimok ni Labor Secretary Silvestre Bello ang OFW’s na pumunta sa OFW Bank para makakuha ng micro-finance loans na inaasahang ilulunsad sa Oktubre.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *