DOLE umaasa na tataas muli ang employment rate sa bansa kasunod ng nagpapatuloy na Covid 19 Vaccination program ng gobyerno
Umaasa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na sa nagpapatuloy na Covid-19 vaccination program ng gobyerno ay tataas na muli ang employment rate sa bansa.
Sa isang statement, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nalulungkot siya sa latest result ng Labor Force Survey.
Ito na aniya ang pangalawa sa pinakamababang unemployment rate ng bansa ngayong panahon ng Pandemya.
Sa resulta ng May 2021 Labor Force Survey, bumaba pa sa 7.7% ang unemployment rate o katumbas ng mahigit 3.7 milyong unemployed na Filipino.
“With the continuous rollout of the vaccination program, we anticipate less humps and bumps on the road to recovery.” Labor Sec. Silvestre Bello III
Naniniwala rin si Bello na makatutulong ng malaki ang nilagdaan ni Pangulong Duterte na Executive Order No. 140 o ang National Employment Recovery Strategy na magsisilbing master plan ng gobyerno para sa recovery ng labor market ng bansa.
Bukod rito, nangako rin aniya ang mga nasa pribadong sektor ng pagbubukas ng isang milyong trabaho ngayong taon para matulungan ang mga nawalan ng hanapuhay.
Tiniyak ni Bello na kaisa sila sa ligtas na pagbubukas ng ekonomiya para masuportahan ang mas maraming negosyo at matulungan ang mga apektadong manggagawa.
Pero apila ni Bello sa mga negosyante at mga manggagawa, tiyakin ang mahigpit na implementasyon ng minimum public health standards sa mga lugar ng paggawa.
Madz Moratillo