DOLE, umaming may pangangailangan para magpatupad ng wage hike ngayong Mayo
Anumang araw mula ngayon, asahan na ang umento sa sahod ng mga manggagawa.
Kinumpirma ni Labor secretary Silvestre Bello na may pangangailangan
ngayon para agad magpatupad ng wage increase para bawasan ang
matinding epekto ng Train law sa mga pangunahing bilihin.
Batay na rin anya ito sa utos ng Pangulo na paspasan ang pagtalakay sa
wage adjustments para tulungan ang mga mangagawa na apektado na Train
law.
Hindi pa masabi ni Bello kung magkano ang ibibigay na umento pero ito
aniya ay flat rate at nakadepende sa bawat rehiyon.
Nanindigan si Bello na hindi kakayanin ang hirit na 750 na minimum
wage ng mga labor groups at kailangan pa itong ikonsulta sa ibat-ibang
sektor.
Ulat ni Meanne Corvera